Biyernes, Disyembre 23, 2011

POSIBLE BA ANG TIME TRAVEL?


Sa nobela ni H.G. Wells’ na pinamagatang THE TIME MACHINE, ang bida ay umupo sa isang mahiwagang upuan na may blinking lights, pumindot ng ilang numero, at sa isang iglap ay napunta na sya sa isang lugar several hundred thousand years into the future, kung saan ang England ay matagal nang naglaho at sa kasalukuyan ay pinamumuyahan na ng dalawang grupo, ang Morlocks at ang Eloi. 

      Masasabi nating yun ay isang malikhaing literatura,pero ang mga physicists ay madalas tinatawanan lang ang ideya ng paglalakbay sa iba’t-ibang panahon, at kanilang kinokonsider itong isa sa field ng mga esperitista, manghuhula, at mga manggogoyo, at dahil na rin ito sa isang valid reason. Subalit, dahil na rin sa mga kamangha-manghang advances o progreso sa quantum gravity ay unti-unting nagkakaroon ng pag-asa ang teoryang ito; ang time travel ngayon ay hindi na kakaibang topic ngayon para sa mga theoretical physicists na nagsusulat sa pahina ng PHYSICAL REVIEW magazine.

      Isa sa mga stubborn problems ng teorya ng time travel ay binubuo ng maraming iba’t-ibang palaisipan na nagcocontradict sa bawat isa. For example, may isang paradox ng isang lalake na walang mga magulang: Anong mangyayari kung bumalik ka sa nakaraan at pinatay mo ang magulang mo bago ka pinanganak? At kung ang magulang mo ay namatay bago ka ipanganak, paano ka ipapanganak para mapatay mo sila in the first place?

     Meron ding isang paradox ng isang lalake na walang nakaraan. For example, sabihin nating may isang batang inventor na ilang beses nagtry at nabigo na bumuo ng time machine sa kanilang garahe. Suddenly, may isang matandang lalake na bigla na lang sumulpot at sinabi sa bata ang sikreto ng pagbuo ng isang time machine. Dahil dito, ang batang inventor ay yumaman ng todo sa pagtaya sa stock market, race tracks, at sporting events dahil alam na nya ang future. At nung sya ay tumanda na, naisipan nyang bumalik sa nakaraan upang ibigay ulit ang sikreto ng pagbuo ng time machine sa kanyang “batang sarili”. Saan pala nanggaling ang idea ng paggawa ng time machine?  
 

Meron ding isang paradox ng isang tao na sya mismo ang kanyang nanay (sya at ang kanyang nanay ay iisa). Si “Jane” ay isang ulila na galing sa isang bahay ampunan. Nung sya ay dalaga na, sya ay nainlove sa isang manlalakbay, na iniwanan din sya nung sya ay nagbubuntis. At nangyari ang isang trahedya. Muntik na syang mamatay nung ipinanganak nya ang isang batang babae, ang baby girl na ito ay bigla na lang nakidnap mysteriously. Nakita ng mga doctor na si Jane ay nasa critical na kalagayan at duguan, ngunit isang kababalaghan ang kanilang natuklasan na si Jane ay may dalawang kasarian. At para mailagtas sya sa kanyang kalagayan, kinailangan ng doctor na i-convert si “Jane” sa pagiging “Jim.”
    Lumipas ang panahon at si “Jim” ay nagging lasinggero, hanggang sya ay nakakilala ng isang friendly bartender (actually a time traveler in disguise) na nagdala sa kanya sa nakaraan. Si “Jim” ay may nakilalang magandang dalaga, na kanyang nabuntis at nagbunga ng isang baby girl. Dala ng kanyang konsensya, kinidnap nya ang baby girl at dinala sa bahay ampunan. Sa kalaunan, si “Jim” ay sumali sa time travelers corps, naging tanyag sa kanyang pamumuhay, at may kaisa-isang one last dream: ang bumalik sa nakaraan at magpanggap na isang bartender para makilala ang isang lasinggero na nagngangalang “Jim”. So, sino pala ang nanay ni “Jane? tatay? Kapatid? Lolo? Lola? At apo?                                                                                   


         Hindi na nakakagulat, ngunit ang time travel talaga ay kinoconsider talaga na imposible. Kay Newton na naggaling at naniniwala sya na ang time ay parang isang arrow; once na finired, ito ay lilipad sa straight, at stable line. Isang segundo sa earth ay isang segundo rin sa Mars. Ang mga orasan na nakakalat sa buong kalawakan ay nagbibeat sa magkakaparehong rate.               

            Ngunit binigyan tayo ni Einstein ng isang mas malalim at mas malinaw na representasyon at paliwanag. Ayon kay Einstein, ang time daw ay mas maikukumpara sa isang ilog, na dumadaloy sa mga stars at galaxies, bumibilis at bumabagal kapag dumadaan sa mga massive objects. Ang isang segundo sa Earth ay HINDI isang segundo sa Mars. Ang mga orasan na nakakalat sa buong universe ay nagbibeat sa kanilang sariling drummer.
            Subalit bago mamatay si Einstein, sya ay naharap sa isang malaking pagsubok. Isa sa mga tropa ni Einstein’s sa Princeton, na si Kurt Gödel, na maituturing na ring isa sa pinakagreatest mathematical logician of the past 500 years, ay nakahanap ng panibagong solusyon sa sariling equations ni Einstein na nag-aallow sa time travel!
      Ang “river of time” ay meron na ngayong whirlpool kung saan ang time ay pwede ng umikot o gumalaw sa isang circular path. Ang solusyon ni Gödel ay isang malahenyong teorya: Ito ay naghypothesize na ang universe ay puno ng time na dumadaloy na parang isang rotating fluid. Ang sinumang maglakad sa direksyon ng rotation ay babalik din sa kanyang starting point dahil nga ito ay pakiot lang, pero pabalik sa nakaraan!          


Sa journal ni Einstein, sinabi nya na sya ay di mapakali dahil sa mga equations nya ay naglalaman ng mga impormasyon na nag-aallow sa time travel. Pero di nagtagal, sya ay nagconclude na rin na ang universe ay hindi umiikot, ngunit ito ay nag-eexpand! (gaya ng sabi sa Big Bang theory) at dahil dito, ang solusyon ni Gödel’s ay hindi katanggap-tanggap dahil sa mga “physical reasons.” (Siguro nga kung ayon sa Big Bang ang universe ay umiikot, baka possible pa ang time travel saan mang dako ng universe!)      


      At nung 1963, si Roy Kerr, isang New Zealand mathematician, ay nakahanap ng solusyon sa equation ni Einstein para sa rotating black hole, na may kakaibang properties. Ang black hole ay hindi maaaring magcocollapse to a point (ayun ang pinaniniwalaan dati) pero sa isang spinning ring (ng neutrons). Ang ring ay maaaring umiikot ng sobrang bilis na ang centrifugal force ang nagpapanatili sa ring para hindi magcollapse dahil sa gravity.



            Ang sinasabing ring ay para na ring ung lugar na pinagdaanan ni Alice papunta sa wonderland.Ang lahat ng maglalakad o dadaan sa ring ay hindi mamamatay kundi makakapunta sa isang lagusan patungo sa alternate universe. Simula nun, maraming naglabasang “wormhole” solutions sa mga equations ni Einstein. Ang mga wormholes na ito ay hindi lamang nagcoconnect sa dalawang regions ng space (gaya ng mga butas sa lupa na daanan ng mga bulate) pati na rin sa dalawang regions ng time. Sa medaling salita, pwede na rin silang gamitin bilang time machines.    



            Sa kasalukuyan, maraming nag-attempt na idagdag ang quantum theory sa gravity (at dahil dito ay nabuo ang “theory of everything”) na nagbigay ng mga posibleng kasagutan sa nagtatampisaw na katanungan kung possible nga ba ang time travel.

            Sa quantum theory, pwede tayong magkaroon ng multiple states ng kahit anong object. For example, ang electron pwedeng mag-exist ng sabay-sabay sa iba’t-ibang orbits (isang katotohanan na nagpatibay sa laws of chemistry). Kagaya ng sabi ni Schrödinger, na ang pusa ay pwedeng mag-exist na magkasabay sa dalawang posibleng kalagayan: pwedeng patay at buhay. Kaya kapag tayo ay bumalik sa nakaraan at baguhin ang mga pangyayari dati, para na rin tayong nagcreate ng parallel universe. Kaya kaya nating baguhin ang nakaraan ng kahit sino sa pamamagitan ng pgaliligtas sa kanya, for example, ang pag-assassinate kay Ninoy Aquino, pero hanggang ngayon ay patay pa rin si Ninoy. Sa ganitong sitwasyon, ang sinasabing ilog ng oras ay nahahati sa dalawang magkaibang ilog.        


Pero ito nga ba ay nangangahulugan na maaari na nating gamitin ang time machine gaya ng sinulat ni H.G. Well sa kanyang novel, pumindot lang ilang numero at magtungo na sa several hundred thousand years ng future sa kung saan mang lugar sa England?

            Hindi rin, sa ngayon, hindi PA siguro. Marami pang mga mahihirap na obstacle course ang kailangan malagpasan. Unang una, ang pinakamain problem ay sa energy. Kagaya ng kotse na kailangan ng gasolina, ang time machine ay kinakailangan din ng napakalaking amount ng energy. Para makalikha ng time machine, kailangan siguro ng power na nanggagaling sa isang star, gaya ng sa araw, or pwede rin na makatuklas muna ng isang tinatawag na “exotic” matter (na tumataas, at hindi bumababa dahil sa gravity) o makahanap ng source of negative energy. (Dati, akala ng mga Physicists na ang negative energy ay imposible. Pero ang tiny amounts ng negative energy ay na-verified experimentally na tinatawag din na “Casimir effect,” halimbawa, ang energy na nabuo sa dalawang parallel plates.) Ang lahat ng nabanggit ay napakahirap malikom sa malalaking quantities, siguro possible pa sa mga susunod pang mga centuries!
 



     Isa pang problem ay ang stability. Halimbawa, ang Kerr’s rotating black hole, ay masasabing unstable kapag ang isang bagay ay mahulog dito. Likewise, ang quantum effects ay maaaring mabuo at masira ang wormhole bago ka makapasok dito. Unfortunately, ang mathematics ay hindi makayanan sagutin ang tanong about sa stability dahil kailangan munang makabuo ng “theory of everything” na nagcocombine ng quantum forces at gravity. Sa kasalukuyan, ang superstring theory ay ang leading candidate sa ganitong teorya. (Actually, ito lang ang nag-iisang candidate; wala talaga itong katapat o karibal.) Pero ang superstring theory, which happens to be my specialty, ay napakahirap pa ring isolve ng buong-buo. Ang theory ay well-defined, pero wala ni isa sa planet Earth ang may likas na kakayahan at katalinuhan para ito ay ma-solve.                
Isang interesadong pangyayari, si Stephen Hawking ay minsan ng inoppose ang idea ng time travel. Sinabi rin na meron syang “empirical” evidence against dito. Kung ang time travel ay nag-eexist, sabi nya, edi sana may mga bumisita na ditong turista galing sa future. Kaso lang wala naman tayong nakikita o kakilala na nanggaling sa future, so ibig sabihin ang time travel ay hindi talaga posible.
At dahil sa to effort na na ginawa ng mga theoretical physicists sa loob sa nakalipas na 5 taon, si Hawking ay nagbago ng isip, at naniwala na rin na ang time travel ay posible (although hindi ganun ka-practical). Isa pang karagdagan, possible na baka hindi lang tayo ganun ka-interesado sa mga turista galing sa future. Ang sinuman na makapag harness sa kapangyarihan ng mga bituin ay maico consider tayong mga primitibo o sinaunang nilalang. Imaginin mo na lang ang mga kaibigan mo na napadaan sa bahay ng mga langgam. Sa tingin mo ba magsasayang ba sila ng oras sa mga langgam para turuan sila magbasa, pag-aralin ang mga langgam, at gawin silang mga doctor, bigyan ng mga maliliit na libro at alahas? O baka nga di man lang nila pansinin yung mga langgam kahit matapakan pa nila, ganun siguro kaliit yung tingin sa atin ng mga nilalang galing sa future.
So, I therefore conclude na kung isang araw man sa buhay mo ay may kumatok sa inyong pintuan at sinabing siya ang iyong pinaka apo apo apo sa paa tuhod balikta ulo, patuluyin mo. Dahil baka nga totoo ang sinasabi nya. At malalaman mo na ang sikreto sa future at time travel.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento